Navigation

Monday, July 26, 2010

PNoy May Tanong Lang po ako!

PNoy! May tanong lang po ako. yun po bang mga Lumang Batas na inaprobahan noon na hindi naman nakakatulong sa sambayanang pilipino. ay inyo din po bang babaguhin o papalitan. gaya ng oil deregulation law. at ang kuntrakwalisayon?. madami pong mga pilipino ang mga nasa edad 25-40 pataas ang walang mga trabaho at nahihirapang mag hanap ng trabaho sakadahilanang may age limit po ang mga kumpanya dito sa ating bansa.

sana po tapusin na po natin ang kalakarang ito. upang ang sinasabi mong tuwid na landas ay hindi bumaluktot sa maling tatahakin ng mga mamayang pilipino.

Mayaman po sa mga Miniral ang Bansang Pilipinas. at sa mga Malulusog na Kapatagan at kabundukanay may malawak na karagatan na pedeng pag kunan ng ating mga pagkain. ang kulang po sa mga ito ay ang General Reform Programs. o ang tinatawag na Philippine Economic Master Plan.

ang mga Rebelde. NPA man o MILF. ang kanilang mga sandata ay palitan nyo po ng mga gamit pang sakahan at mga binhi na magiging daan ng kanilang panibagong buhay at pag babalik sa Gobyerno.

wag po nating hayaang ang magiging kahalili natin sa mga makabagong henirasyon ay tuluyan nang malugmok sa kahirapan.

at mapag iwanan na ng panahon at ng ,mga karig bansa. gaya ng china, singapore, malaysia at vietnam.

Mayaman ang Bansang Pilipinas sa Panahon ni dating Pangulong Marcos.
hindi pa po huli ang Lahat. makakaya pa po nating bumangon sa kahirapan.

Dapat po ay mag karoon na po tayo ng 3 Nuclear Power Plan upang mag karoon din tayo ng mababang halaga ng kuryente.

ang unang nuclear power plan at mag mumula sa Luzon at ang ikalawa ay sa Visayas at ang ika pangatlo po naman at sa Mindanao. sa ganitong paraan po naka salalay ang ikagiginhawa ng ating sambayanang pilipino.

bilang tugon din po ito sa ating mga mag sasaka. upang ang kanilang mga pananim ay hindi agad agad nasisira at nasasayang sa kadahilang mahal ang pambayad sa kuryente.

kaya hindi agad na ipreserba ang kanilang mga sariwang pananim at hindi maihatid sa ating mga mercado. dahil sa ang ating mga kalsada ay walang sapat na ilaw at hindi inaabot ng linya ng kuryente.

Panustos din po ito sa ating mga erigasyong pang sakahan at agrikultura.
papalaliman at hukayan po natin ang ating mga ilog at maging ang mga dam upang hindi po tayo kapusin ng tubig sa pang araw araw nating mga pangangailangan. gamitin po natin ang nuclear power plan sa mabuting paraan.

Hindi po Maganda sa isang bansa ang walang apoy,tubig,elektrisidad,pagkain,at mga mamayang may kakayahang mag lingkod at mag mahal sa ating bansa.

Malaki na po ang ating Populasyon. bibilang po ang mga taon na papalo na po tayo sa isang bilyong populasyon. madami pong mga kalupaan sa pilipinas ang mga walang nakatirik na tahanan. na dapat sana ay doon sa mga lugar na iyon mabigyan ng sapat na kabuhayan. at pag tayuan ng mga makabagong impastraktura gaya din po ng kung ano ang meroon sa metro manila. upang mag karoon po ng interst ang mga Lokal at mga dayuhang investor na magtayo ng kanilang mga negosyo. kung ang Luzon ay may Sentro ng Negosyo. na gaya ng MAKATI. diba pede naman nating lagyan ang Visayas aat Mindanao ng ganiting Sentro din ng Negosyo. ang Visayas at Mindanao ay Dapat lagyan ng Pangulo ng kayang makakatuwang upang mapadali ang pag unlad. at upang matutukan ang lumaalalang kahirapan. at mabigay ng sapat na solusyon ang nasabing problema ng visayas at mindanao. at upang hindi na rin magawang mag paka layo layo ng mga kababayan natin na gaya na lamang na mga nakatira sa Visayas. sa mga bayan ng Leyte Samar at Northern Leyte at South. ang mga lugar na yan ay mga bulubuntuking hindi po inaabot ng mga magagandang plano ng gobyerno.

at hirap po ang kalakalan sa nasabing lugar dahil kailangan pang tumawid ng dagat at makipag sapalaran sa mga lubaklubak na kalsada ang ating mga mangangalakal. papaano mag kakaroon ng interest ang mga Investor na mag tayo ng mga impastraktura. kung walang simentadong daan at walang ,mga linya ng kuryente at mga sapat na ilaw ang kanilang mga kalsada.

Wag naman po sanang palagi na lang mindanao ang nakikita ng ating gobyerno. Balansihin naman po natin ang ating pag unlad.

Ang Barko kapag nag over loading ay 100% po na lulubog. ganito na po kabigat ang tao sa Metro Manila. over na po ang populasyon sa Metro Manila. Pwede naman po nating Pabalikin sa mga Probinsya ang ating mga kababayang nakikipag sapalaran sa metro manila. at mag tayo po naman tayo ng metro visayas at metro mindanao. na magiging sentro din po ng kalakalan at mga maka bagong ekonomiya ng bansa.

kailangan na po nating pag isahin ang LUZON, VISAYAS, at MINDANAO upang maging balanse din po ang ating Bansa.
papayag ba tayo na ang ULO lang natin ang BUSOG sa katalinuhan? at ang ating Sikmura naman ay Gutom na Gutom sa Pag Asa ng pag babago at pag unlad. at ang ating mga PAA naman po natin ay hindi mapakali sa Kalalakad ng wala naman Tinatahak na Matuwid na Landas. kaya hindi po Magawang Pumirme sa iisang Lugar lamang.

Ito po ang Sumasalamin sa ating BANSANG Pilipinas sa ngayon at sa mga nag daan pang panahon.

Nang Hirap lamang po tayo kaya dapat lamang po nating ibalik ang yaman ng ating bansa. sa kung saan wala pa ang ating lahi ay saganang sagana at kabighabighani ang angking Kayamanan at kagandahang ginawa ng panginoon. upang ipahiram sa kanyang mga anak. . . .

No comments:

Post a Comment