Thursday, November 26, 2009

Philippine Graphics and Print Training Center inc.



Ang Simula! ng aking Pag aaral ng kursong Prepress Operation. sa unang araw ng pag hahanda at pag bubukas pa lamang ng klase hanggang sa pag pili ng mga mag aaral na tuturuan ng mga bago ding mga instructor. medyo tumagal din ng mga ilang oras bago makabuo ng tamang bilang ng mag aaral.

Sa mga sandaling iyon ay nag kakahiyaan pa ang mga bagong mag aaral dahil nga sa hindi pa kami mga mag kakakilala. at ng matapos na nga ang pag pili sa aming mga mag aaral. isa isa na kaming pinapunta sa aming bagong sild aralan.

at ng makapasok na kami at nasa silid na rin ang aming dalawang instructors. ay kanya kanya na kaming pag papakilala sa aming mga sarili. at gumawa pa kami ng aming mga pangalan na gaya ng isang kinder garden. haha! nakakatuwa kung iisipin. pero iyon ang tama naming dapat gawin upang mapabilis ang aming pag kakakilala sa bawat isa.

Doon ko na nakilala ang aming dalawang instructor na sila sir Dennis at sir Erwyn. at ang mga bago kong kaklase na gaya nila sir Larry ma'm Leny ma'm Teresa at madami pang iba.


1 comment: