Navigation

Saturday, November 21, 2009


"Bayong Ito ay isa lamang sa aking mga Likha.
Kung mapapansin mo payak at napaka simple lang na lalagyan. pero sa isang banda ito ay kapakipakinabang sa mga taong gumagamit nito.

Ipinagawa ito sa akin ng aking Kliyente na taga Balagtas Bulakan. na my sariling Pwesto sa Pamilihang Bayan ng Balagtas Bulakan. Gagamitin daw niya ang bayong na ito. Upang pag lagyan ng kanilang mga labahan.

Wow! Grabe naman ang sabi ko ang laking bayong nitong ginawa ko. ang bawat tao na makakita ng aking Ginawang bayong ay sadyang namamangha at mga nag sisipag tanong ng para saan daw ba ang bayong na ginagawa ko?

ang sabi ko po naman ito po ay gagamitin daw po sa kanilang bahay upang pag lagyan ng labahan.

"Ganun? Eh! napakalaking Bayong naman nyan. Kahit sinong tao ang pumasok di yan eh kasyang kasya!
Eh! Magkakano naman ang isang ganyang kalaking Bayong? ang sabi ko sa nag tanong eh! 400 pesos po ang isa. iyon po kasi ang usapan namin ng aking kliyente. ayaw naman na niyang mag padagdag ng presyo. sa dahilang 400 pesos lang daw ang aming napag kasunduang bayaran. di ang nangyari pumayag na lang ako. kesa naman di niya bayaran ang gawa ko. at isa pa mas makakagaan pa yun sa dalahin ko. at sa kanya naman talaga nakalaan ang Ginawa ko.

Sa dami ng mga taong nakakakita habang ginagawa ko ang Malaking Bayong Hindi sila makapanilawa na Magagawa ko ang Malaking Bayong na ito.

"Tumagal ng apat na araw bago ko ito natapos. nag umpisa ako ng mga bandang 9:30 ng Umaga at huminto ako ng mga bandang 11:23 ng Umaga din. dahil sa may pasok pa ako sa Tesda. Prepress ang aking kursong kinuha. at mabuti na lang ng dumating ang aming Final Exam! Pumasa ako at kinabukan naka Graduate na din ako.

at hindi pa dito natatapos ang aking mga kwento kaya mag hintay lang po muli sa aking ilalabas ng blogs. salamat po ng madami sa mga taong tatangkilik ng aking blog.

No comments:

Post a Comment